^

Bansa

‘Emong’ palabas na ng Pinas

Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patuloy ang paglakas ng bagyong Emong habang ito ay palabas na ng bansa ngayong Huwebes.

Alas-11 ng umaga kahapon, huling namataan si Emong sa layong 400 kilometro silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin hanggang 90 kilometro bawat oras.

Si Emong ay kumikilos sa direksiyong pahilaga sa bilis na 19 na kilometro bawat oras papunta sa timog bahagi ng Japan.

Ngayong Huwebes ng umaga, si Emong ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Bagamat palayo na ng bansa, patuloy namang pinag-iibayo ng bagyo ang Habagat  na magdadala ng mga pag-uulan sa Luzon.

vuukle comment

BAGAMAT

BASCO

BATANES

HABAGAT

HUWEBES

LUZON

NGAYONG HUWEBES

PATULOY

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SI EMONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with