^

Bansa

Nagpapa-annul nabawasan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumaba ang bilang ng annulment cases na naitatala ng Simbahang Katoliko.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz,  judicial vicar ng National Appellate for Matrimonial Tribunal at dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mula 10 hanggang 15 porsiyento ang ibinaba ng bilang ng annulment cases sa bansa sa mga nakalipas na taon.

Karamihan sa mga mag-asawang nagnanais na mapawalang-bisa ang kanilang kasal ay mula sa Metro Manila.

Kaugnay nito, nagpahayag naman nang pagkadismaya ang arsobispo dahil marami sa mga mag-asawa ngayon ay nagsasama na lamang ng walang kasal.

Ito’y posibleng dahil aniya sa trend na kung hindi kasal ang mag-asawa ay maaari rin silang maghiwalay kailanman nila naisin.

“Marriage is more difficult here (Metro Manila) precisely because of the influence of the First World countries which allow divorce and same-sex marriage, among others”, sabi pa ng arsobispo.

AYON

BUMABA

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

FIRST WORLD

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

MATRIMONIAL TRIBUNAL

METRO MANILA

NATIONAL APPELLATE

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with