^

Bansa

Paglayas ng forecaster ikinalungkot ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinalungkot ng Ma­ lacañang ang pag-alis ng mga batikang fore­cas­ters ng PAG-ASA ma­tapos na magbakas­yon ng anim na buwan ni Director Nathaniel Servando.

Sinabi ni PCOO Sec. Sonny Coloma na ma­laking kawalan kung sa­kaling hindi na bumalik sa PAGASA si Servando na napaulat na nagtuturo na lamang sa isang unibersidad sa Dubai ka­palit ng mas mala­king suweldo kum­para sa kan­yang nata­tanggap sa PAGASA.

Binanggit ni Coloma na bahagi ng katotoha­nan ang pag-alis ng mga magagaling na forecas­ters sa PAGASA para hu­manap ng mas mala­king benepisyo pero ti­wala ang Malacañang na marami pang sisibol na mga bagong dalubhasa na magsisilbing ka­pa­lit ng mga umaalis sa weather bureau.

Sa ngayon ay nasa 14 na lamang ang meteo­ rologist sa PAGASA at ang isang senior official nito ay nakatakda pang magbitiw sa kagawaran.

Naunang nagbitiw sa PAGASA sina director Frisco Nilo, Rene Paciente at Nathaniel Cruz na naghanap ng ‘greener pasteur’.

 

vuukle comment

BINANGGIT

COLOMA

DIRECTOR NATHANIEL SERVANDO

FRISCO NILO

NATHANIEL CRUZ

RENE PACIENTE

SHY

SONNY COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with