^

Bansa

Weekend maulan din

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabutin ng hanggang weekend (Sabado-Linggo) ang mga pag-uulan na kasalukuyang nararanasan ng Metro Manila Kasama na ang western Luzon at Visayas.

Ito ang sinabi ni Cris Perez, weather fore­cas­ter ng Philippine At­mospheric, Geophysical and Astronomical Ser­vices Administration kaugnay ng nararana­sang pag-uulan kahapon sa naturang mga lugar.

Sinabi ni Perez na patuloy na nananalasa ang habagat kaya ang naturang mga lugar ay patuloy na makakaranas ng mga pag-uulan hanggang weekend la­luna sa bandang hapon o gabi.

Anya, pinag iibayo din ng isang low pressure area na nasa west Philippine sea ang ha­bagat kaya patuloy ang malakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga lugar sa Luzon at Visayas.

Kaugnay nito, pina­payuhan ni Perez ang publiko na tignan ang facebook account at twitter account ng PAGASA upang malaman ang pa­lagiang update sa pa­nahon sa bansa at upang maging handa sa anumang sakuna.

Ngayong linggong ito anya ay wala namang namamataan ang PAGASA na maaaring pumasok sa bansa dahil ang namataang LPA ay hindi na anya papasok pa ng area of responsibility at ito ay malulusaw na lamang anumang araw mula ngayon.

 

vuukle comment

CRIS PEREZ

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SER

LUZON

METRO MANILA

METRO MANILA KASAMA

PEREZ

PHILIPPINE AT

SHY

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with