^

Bansa

Biktima ng ‘sex for fly’ hinikayat tumulong sa imbestigasyon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ni House Committee on Overseas and Workers Affairs Chairman at Akbayan Partylist Rep. Walden Bello ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na biktima ng “sex for fly” na tumulong sa gagawing imbestigasyon  ng Kamara.

Ayon kay Bello, dapat na lumantad at makipagtulungan sa kanila ang mga OFW na nakaranas ng pang-aabuso upang mapabilis ang gagawing pagsisiyasat ng Kamara.

Giit pa ni Bello na kailangan nila ang koope­rasyon  ng mga biktima upang mapanagot sa lalong madaling panahon ang mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) sa Middle East na sangkot sa “sex for fly” sa mga OFW na nais makauwi ng bansa.

Bukod dito, pumalag din si Bello sa pananatiling tahimik at sa kawalan ng aksyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing isyu.

Karaniwan umanong nabibiktima ng “sex for fly” ay ang mga OFW na nahihirapan sa kanilang trabaho o nakakaranas ng karahasan sa mga amo at para makauwi ng bansa ay inaalok ng mga opisyal na makipagtalik kapalit ng tiket pabalik ng Pilipinas.

AKBAYAN PARTYLIST REP

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HOUSE COMMITTEE

KAMARA

MIDDLE EAST

OVERSEAS AND WORKERS AFFAIRS CHAIRMAN

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with