SONA ni PNoy nilalatag na
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagtatapos ng session ng 15th Congress, sinimulan naman ng Kamara ang paghahanda para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni PaÂngulong Noynoy Aquino sa Hulyo 22, 2013.
Inilatag ng Committee on Media sa Kamara sa pangunguna ng Public Relations and Information Bureau (PRIB) ang gagawing coverage sa SONA.
Kabilang sa dumalo sa pulong ang mga mamamahayag, crew at caÂmeramen na magko-cover ng SONA.
Ayon kay PRIB ExeÂcutive Director Rica dela Cuesta, isang buwan ang paghahanda upang mailatag ang mga rules at guidelines sa gagawing coverage at hindi na maulit ang mga pagkakamali at kalituhan sa nakalipas na Sona coverage.
Samantala, magsisimula naman ang pagsusumite para sa media accreditation sa ikalawang linggo ng Hunyo at matatapos hanggang sa ikalawang linggo ng HulÂyo.
Bukod sa mga kagawad ng media ay kasama din ang Presidential Security Group, House LeÂgislative Security Group, RTVM at Senate PRIB sa dumalo sa naturang pagpupulong.
- Latest