^

Bansa

143 distressed Pinoy balik-Pinas na

Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bukod sa pagdating ng 85 Pinoy na naipit sa karahasan sa Syria, inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na dumating din sa bansa ang 45 Pinoy mula Kuwait at 13 pa galing sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs at OWWA, umaabot sa kabuuang 143 overseas Filipino workers (OFWs) ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon kabilang na ang 85 Pinoy na inilikas bunsod ng patuloy na karahasan sa Syria.

Nabatid na 45 OFWs mula Kuwait ang dumating lulan ng Emirates airways flight EK 336 dakong alas-7 ng umaga, at magkasunod na lumapag sa NAIA Terminal 1 ang 13 Pinoy na kabilang sa libu-libong stranded sa Jeddah sakay ng flights EK 336 at EK 907 sa pagitan ng alas-7 hanggang alas-10 ng umaga. Ang pinakahuling dumating ng alas-4:40 ng hapon na 85 Pinoy mula Syria via QR 646 ay mula Doha-Qatar.  

Sinabi ng OWWA na ang lahat ng dumating na OFWs ay makakakuha ng reintegration programs ng pamahalaan para sa mga OFWs lalo na ang “Balik-Pinas, Balik-Hanapbuhay” program ng Department of Labor and Employment at ang livelihood assistance ng OWWA na ipinatutupad ng National Reintegration Center ng OFWs.

Makatatanggap ang mga repatriates ng starter kit na nagkakahalaga ng P7,500 at P10,000 grant para sa gustong makapagsimula ng maliit na negosyo.

AYON

BALIK-HANAPBUHAY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

JEDDAH

NATIONAL REINTEGRATION CENTER

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PINOY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with