Pagtatanim isinulong
MANILA, Philippines - Paiigtingin pa ng Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) ang kanilang kampanya sa pagtatanim ng mga puno sa Metro Manila upang maibsan ang nararanasang polusyong dulot ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources–National Capital Region (DENR-NCR), Climate Change Commission at Department of Interior and Local Government (DILG), nagsimulang magtanim ang DOH ng mga puno sa Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, DOH – NCR Regional Director, kabilang sa mga punong itatanim ay molave, mahogany, yakal, McArthur palm, ilang-ilang, sampaguita, white lauan, caballero, rambutan, at calamansi.
Target aniya ng kagawaÂran na makapagtanim at makapagpatubo ng mga puno sa lahat ng health facilities sa Metro Manila kabilang ang mga health centers dahil nagbibigay sa mga tao ng oxygen.
- Latest
- Trending

















