Sa pagpasok ng China sa Phl ‘Tulong ng US hingin na’ - Solon
MANILA, Philippines - Umapela ang oposisyon sa Kamara kay Pangulong Noynoy Aquino na hingin na ang tulong ng Estados Unidos para matapos na ang panghihimasok ng China sa Ayungin shoal at iba pang isla na sakop na teritoryo ng Pilipinas.
Sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez ito ay dahil sa kahit idaan pa umano sa arbitration ang problema sa China ay wala din itong kahihinatnan kung hindi kikilalanin ng China ang resulta nito.
Bukod dito, wala rin umaÂnong mapupuntahan ang Pilipinas kundi humingi ng tulong sa Amerika dahil sa ngayon ay wala naman tinatawag na umbrella of protection ang Pilipinas.
Iminungkahi pa ni Suarez na maaari naman magdaos ng war games malapit sa Ayungin Shoal ang mga sundalong Pinoy at Kano bilang bahagi ng Balikatan Military exercises.
Ayon pa kay Suarez, isang strategic error ang pagpapawalang saysay sa Philippine-US Bases treaty ng mga mamÂbabatas dahil nawala sa bansa ang permanenteng presensya ng US forces.
Kaya dapat umanong pag aralan ang pagbabalik ng US forces sa bansa subalit kailaÂngan munang amyendahan ang Saligang Batas.
- Latest
- Trending