Banat sa ama nakaapekto sa anak
MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni resigned Senate President Juan Ponce Enrile na nakaapekto sa kandidatura ng kanyang anak na si Jack Enrile ang mga isyung ibinato sa kanya bago magsimula ang kampanya noong nakaraang senatorial election.
Sinabi pa ni Enrile na nasasaktan siya habang nakikitang naaapektuhan ang kanyang anak na pinili pa ring ituloy ang pagtakbo at harapin ang mga isyung ibinato rin sa kanya.
“Bilang isang ama, tahimik na tiniis kong makitang nagdurusa ang anak ko dahil sa akin. Pinasan niya sa kanyang balikat ang bigat ng mga putik na ibinato sa akin. Nagdurugo ang puso ko para sa kanya habang nasa isang sulok ako at tahimik na nanonood,†sabi ni Enrile sa kanyang talumpati bago ipinahayag ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Ipinagmalaki rin ni Enrile na mag-isang hinarap ng kanyang anak ang mga isyung ibinato laban sa kanya at isinumite ang kanyang sarili sa paghusga ng mga botante.
Sa kabila din umano ng mga nangyari, narinig niyang sinabi ni Jack na siya ang kanyang “hero†at wala na siyang mahihiling pa dito.
Inamin ni Enrile na ipinagmamalaki nya ang kanyang anak na si Jack kahit pa hindi ito pinalad na manalo sa nakaraang eleksiyon.
- Latest
- Trending