^

Bansa

Endorso ni P-Noy ikinagulat ni Belmonte

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinagulat ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang pag-endorso sa kanya ni Pangulong Benigno C. Aquino para maluklok muli sa kanyang pwesto.

Ayon sa pinakamataas na lider ng Kamara, ikinagulat na lamang niya ang pag-endorso ng Pangulo dahil wala anumang senyales na ibinigay ang Punong Ehe­kutibo habang magkatabi sila sa luncheon meeting sa Malacañang noong Lunes.

Pinuri lamang ng Pa­ngulo ang liderato ni Belmonte sa harap ng mahigit sa 90 kongresista at sa iba pang miyembro ng Liberal Party (LP) bago  ianunsiyo ng Pangulo na nais niyang manatiling House Speaker si Belmonte sa 16th Congress.

Samantala, malaki naman ang pag-asa ng mga coalition party ng administrasyon na magkaroon ng magandang pwesto sa Mababang kapulungan ng Kongreso.

Sa nakikita umano ni outgoing House Deputy speaker Raul Daza, hindi malayong makuha ng ibang partido bukod sa LP ang matataas na posisyon tulad ng deputy speakers.

Inaasahan din na ma­bibigyan ng Committee chairmanship ang mga kasapi ng majority coalition tulad ng Nationalist Peoples Coalition (NPC), National Unity Party (NUP) at Nacionalista Party.

Ito ay dahil sa mababakante ang lahat ng anim na puwesto ng Deputy speaker dahil ang mga kasalukuyang nakaupo ay matatapos na ang termino o hindi nanalo sa katatapos lang na eleksyon.

  Kabilang naman sa mga ga-graduate sina De­puty Speaker Erin Tanada, Arnulfo Fuen­tebella at Jesus Crispin Remulla habang talo naman sina Deputy speakers. Ma. isabelle Climaco, Raul Daza at Pablo Garcia.

ARNULFO FUEN

BELMONTE

HOUSE DEPUTY

HOUSE OF REPRESENTATIVES SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

HOUSE SPEAKER

JESUS CRISPIN REMULLA

LIBERAL PARTY

NACIONALISTA PARTY

RAUL DAZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with