Pagdadala ng baril ng pari, tinutulan ng mga obispo
MANILA, Philippines - Tinutulan ng mga obisÂpo ng Simbahang Katoliko ang batas na nagbibigay ng pahintulot sa mga pari na makapagbitbit ng baril kahit bilang depensa. Iginiit nila na lahat ng pari ay tinatawag upang tularan ang PaÂnginoon.
Ipinunto ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na naiiba ang bokasyon at papel ng mga pari sa transpormasyon ng lipunan at paggamit ng armas para ipagtanggol lamang ang sarili.
Sinabi naman ni Malolos Bishop Jose Oliveros na ang mga pari ay tinatawag upang maging tagapamayapa o tagaÂpagpanatili ng kapayaÂpaan. Aniya, hindi dapat labanan ng mga pari ang karahasan ng isa pang karahasan dahil ang mga pari ay ‘men of peace’ at hindi ng giyera o kaguluhan.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang Comprehensive Gun Law, batas na nagpapahintulot sa mga indibiduwal, kabilang na ang mga pari, na magkaroon ng lisensiya para sa kanilang sariling armas kung ang kanilang trabaho ay maaaring maÂging sanhi ng panganib sa kanilang buhay.
- Latest