35 illegal dormitories sa UP ipasasara
MANILA, Philippines - Ipasasara ng pamunuan ng Department of Building Official ng QC ang 35 illegal dormitories na sakop ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.
Ayon kay building official head Isagani Versoza, nabigyan na nila ng notice to comply noong nakaraang taon ang mga may-ari ng naturang mga dormiÂtoryo pero apat lamang sa mga ito ang tumugon sa kanilang abiso.
Anya, delikado sa mga mag-aaral ang manatili sa lugar dahil sa hindi pagsunod sa fire code ng mga may ari ng dormitories at malamang na ma-trap ang mga mag-aaral na tumitira doon kapag nagkasunog dahil sa makikipot na daan.
Bunga nito, inaasahan na nasa isang libong mag-aaral ng UP Diliman ang maapektuhan sa sandaling maipasara nila ang naturang mga dormitoryo sa Bgy. Krus na Ligas sakop ng UP.
Binigyang diin ni Versoza na ngayong linggong ito na lamang ang kanilang palugit at kapag hindi pa rin umaksiyon ang mga dorm owners ay tuluyan na nila itong ipasasara para na rin sa kaligtaÂsan ng mga estudyante na nangungupahan doon.
- Latest