NPA terorista talaga – PNP
MANILA, Philippines - Tatak terorista at nanatili pa ring banta sa seguridad ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa buong bansa na ayaw paawat sa paghahasik ng terorismo.
Sinabi ni Chief Supt. Generoso Cerbo Jr, PNP spokesman, na ang pagkakasangkot ng NPA sa serye ng karahasan panghuli dito ay ang pagpapasabog ng landmine na sinabayan pa ng pagratrat sa mga elite forces ng Special Action Force (SAF) sa Allacapan, Cagayan na ikinasawi ng walong pulis habang pito pa ang nasugatan noong Mayo 27 ay patunay lamang ng isang gawain ng mga terorista.
Sinabi ni Cerbo, na bagama’t nabawasan na ang puwersa ng NPA na tinatayang nasa mahigit 4,000 na lamang ang bilang sa mga pinamumugaran nitong teritoryo sa bansa ay sobra ang perwisyong idinudulot nito.
Sa kabila naman ng pagkakasangkot sa iba’t-ibang uri ng terorismo, hindi kumbinsido si Cerbo na lumalakas na ang puwersa ng NPA bagkus ay mas nagiging marahas at mala-hayop lamang ang mga ito dahilan sa paggamit ng landmine.
Ayon sa PNP spokesman, ang paggamit ng landmine ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng International Humanitarian Law na patuloy na nilalabag ng komunisÂtang grupo.
Samantala, sinabi pa ng opisyal na hindi rin naman dapat balewalain ang matagumpay na nakamit sa matagumpay na operasyon ng mga pulis at militar laban sa mga rebelde.
- Latest