^

Bansa

Chairmanship sa Kamara magkakaroon ng rigodon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng rigodon o pagpapalit ng mga committee chairmanship sa Kamara sa darating na 16th Congress.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, inaasahan na niyang magkakaroon ng pagpapalit ng mga committee chairmanships sa Kamara.

Kabilang sa mga papalitan ay ang apat na Deputy Speakers dahil natapos na ang termino nina dating Reps. Isabelle Climaco, Erin Tanada, at Monico Fuentebella.

Gayundin ang mga kongresistang kabilang sa makapangyarihang Commission on Appointments gaya nina Reps. Rodante Marcoleta, Roilo Golez at Rex Gatchalian.

Maging ang chairman ng House Committee on Accounts na dating hawak ni An Waray Rep. Florencio “Bem” Noel, Committee on Basic Education na dating pinamumunuan ng yumaong si Sorsogon Rep. Salvador Escudero III at ang Committee on Appropriations na hinawakan ni Cavite Rep. Jun Abaya na hinirang ni PNoy bilang kalihim ng DOTC.

Ayon kay Belmonte, tatapusin muna ang huling sesyon ng 15th Congress para makapag-usap ang mga kongresista ukol sa pagpasok ng 16th Congress.

Matatandaan na nauna ng nag-anunsyo ng reshuffle  ang Senado na  gagawin sa pagpasok ng 16th congress, lalo’t napapabalitang si Sen. Franklin Drilon ang susunod na Senate President.

 

AN WARAY REP

AYON

BASIC EDUCATION

CAVITE REP

DEPUTY SPEAKERS

ERIN TANADA

HOUSE COMMITTEE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

ISABELLE CLIMACO

JUN ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with