COMELEC inutil, na palpak pa -Obispo
MANILA, Philippines - Itinuturing na inutil at palpak ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ng Catholic Bishops Conference of the Philippine National Secretariat for Social Action Justice and Peace o CBCP-NASSA ang Commission on Election (COMELEC) sa katatapos na 2013 midterm elections.
Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, 215 PCOS machine lamang ang sinabi ng COMELEC na nag-malfunction, samantalang lumilitaw na mas marami pa ito base sa monitoring ng iba’t ibang election groups at watchdogs.
Binigyan diin ni BiÂshop Pabillo na kapalpakan din ng COMELEC ang mabagal na transmission ng mga election result at pre-matured proclamation sa mga nanalong Senador.
Sinabi ni Bishop Pabillo na inutil din ang COMELEC na maparusahan ang mga nasa likod ng laganap na vote buying sa lahat ng mga polling precinct sa bansa.
Kinondena din ng Obispo ang hindi kumpleto at mabagal na canvassing ng COMELEC at sinabing hindi dapat nagproklama ng mga nanalong Senador hangga’t hindi natatapos ang pagbibilang sa 11-milyon pang boto na hindi naita-transmit ng PCOS machine sa mirror server ng kumisyon.
Aniya, ginawa ng COMELEC ang proklamasyon sa 12-Senador base lamang sa pagtaya at hindi sa kanilang orihinal na nakuhang boto.
Samantala, hinimok ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang Commission on Election na pag-aralang mabuti ang puna ng mga IT experts na “60-30-10†pattern sa bawat resulta ng canvassing ng kumisyon na pabor sa Team Pnoy.
Sinabi ng Arsobispo na bagama’t wala pang napapatunayan na nagkaroon ng dayaan ay mahirap isipin na nagkataon lamang ang resulta lalo’t may maÂthematical pattern.
- Latest