^

Bansa

P-Noy walang balak kausapin si Jun Lozada

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang balak si Pangulong Benigno Aquino lll na kausapin si NBN-ZTE whistle blower Rodolfo ‘Jun’ Lozada Jr., ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Ayon kay Usec. Valte, wala namang nababanggit ang Pangulo na nais nitong kausapin si Lozada matapos ang naging akusasyon ng whistle blower na ginigipit siya nito sa mga kaso.

Magugunita na mismong ang Pangulo ang nagsabi kamakalawa na wala siyang dahilan upang gipitin si Lozada at baka ito pa ang may ‘galit’ sa kanya.

Ipinaliwanag pa ng Pangulo, wala siyang dahilan upang gipitin si Lozada kahit nalaman nila na ang mga plano nila sa pagbabalik ni Lozada galing Hongkong ay sinabi din nito sa ‘kabilang panig’.

“I don’t know if they actually have direct communication; meaning, puwedeng mag-text. Pero wala naman pong nabanggit ang Pangulo na meron pang balak pong kausapin or to reach out,” giit pa ni Valte.

Una dito ay sinabi rin ng Chief Executive na wala siyang galit para maghiganti at gipitin si Lozada Jr.

“Wala akong galit sa kanya (Lozada), Baka siya ang may galit sa akin,” giit pa ni Pangulong Aquino.

vuukle comment

AYON

CHIEF EXECUTIVE

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

LOZADA

LOZADA JR.

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with