Giyera ‘di solusyon sa pambu-bully ng China sa Pinas -AFP
MANILA, Philippines - Hindi giyera ang solusyon laban sa pambu-bully ng China kaugnay ng patuloy na instrusyon ng mga barko at mangingisda nito sa teritoryo ng Pilipinas sa pinag-aagawang Spratly Islands o West Philippine Sea.
Ayon kay Major Ramon Zagala II, Chief ng Public Affairs Office ng AFP, ito’y kaugnay sa pinakabagong insidente hinggil sa namonitor na presensya ng mga naval ship ng China na nage-escort sa mga illegal nitong mangingisda sa Ayungin Shoal .
“What the government or the republic is doing right now is following a peaceful way to solve the problem, then we will follow that but we have contingencies in case “, ani Zagala.
“The government does not recognize war as an instrument of national policy so as much as possible we want, we will defend protect the Filipino people and our territory but we can do that through peaceful meansâ€, punto pa ng opisyal.
Binigyang diin ni Zagala na hindi nagdagdag ng puwersa ang militar sa lugar upang hindi na uminit pa ang tensyon.
Sa ngayon ay patuloy pa ang monitoring na isinasagawa ng tropa ng militar sa mga aktibidades ng China sa Ayungin Shoal.
Idinagdag pa ng opisyal na suportado ng AFP ang diplomatikong pamamaraan ng pamahalaan upang maresolba ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.
- Latest