Sa panggigipit ng PNP at DILG Sen. Bong umaray!
MANILA, Philippines - Umaray na si Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa nararanasang panggigipit umano sa kanya ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na pinamumunuan ni Secretary Mar Roxas.
Hindi na umano maintindihan ng senador ang panggigipit sa kanya ng PNP na nasa ilalim ng DILG partikular ang naka-assign sa kanilang lugar sa Cavite.
Sinabi ni Revilla, hindi niya maintindihan kung bakit napapag-initan ng DILG ang kanyang pamilya.
“Is this Martial law? Panahon na ba ng Mar Roxas Law…I cannot understand Secretary Roxas’ obsession with me and my family. He claims not to take things personally, but his actions show otherwise,†ani Revilla.
Base umano sa impormasyong nakuha ng senador nag-apply sa tatlong huwes ang mga pulis na sumugod sa kanilang tahanan upang makakuha ng search warrant pero nabigo ang mga ito.
Ipinunto pa ni Revilla na kung may kuwestiyon ang PNP at ang DILG sa legitimacy ng operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) dapat ay sila ang mag-usap at hindi siya idamay.
“If the PNP and the DILG have questions about the legitimacy of the NBI operations and operatives, they should settle their qualms with the NBI, not with me,†sabi ni Revilla.
Tiniyak din ni Revilla na wala siyang kinalaman sa composition ng NBI Team na itinalaga sa kanila na hina-harass umano ng PNP.
“All I know is that we sought the official assistance of the NBI, and the NBI responded to our request,†sabi ni Revilla.
Kinuwestiyon ni Revilla ang naging pahayag ni Roxas na siya ay “on top of the situation†at legitimate ang opeÂrasyon laban sa kanyang pamilya.
- Latest