^

Bansa

Nilinaw ng Palasyo… Walang Pinoy na napatay sa Taiwan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang ang ulat na may napaslang na OFWs sa Taiwan bunga ng paghihiganti ng mga ito matapos napaslang ng Philippine Coast Guard ang isa nilang mangingisda noong Mayo 9 sa Balintang Channel.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang katotohanan na may napatay na OFWs sa Taiwan bagkus ay 3 Pinoy ang iniulat na nasaktan pero hindi naman malubha ang tinamong sugat ng mga ito batay sa report ni MECO chief Amadeo Perez sa Malacañang.

Kinumpirma ni MECO chief Perez na ang mga nasaktan na OFWs ay sina Joey de Leon, Danilo Taperla at Renato Guro na sinaktan ng mga galit na Taiwanese sa Southern Taiwan.

Aniya, nagpakalat ng mga Taiwanese police sa Sou­thern part ng Taiwan upang mapigil ang anumang pananakit sa mga OFWs bunga ng pagkakapaslang sa 65-anyos na mangingisda sa Balintang Channel noong Mayo 9.

Siniguro din ni Taiwan President Ma na bibigyang proteksyon ang mga OFWs na nasa kanilang bansa mula sa anumang pananakit kaugnay sa pagkamatay ng kanilang mangingisda.

AMADEO PEREZ

BALINTANG CHANNEL

DANILO TAPERLA

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

MALACA

PHILIPPINE COAST GUARD

RENATO GURO

SOUTHERN TAIWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with