Sa pagkamatay ng mangingisda… Hiling na parallel investigation ng Taiwan, hindi papayagan
MANILA, Philippines - Hindi papayagan na magsagawa ng parallel investigation ang mga Taiwanese special investigators na dumating sa bansa kaugnay sa napaslang na Taiwanese fisherman sa Balintang Channel noong Mayo 9, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
Sinabi ni Sec. Lacierda sa media briefing kahapon, may sinusunod na protocol partikular sa Mutual Legal Assistance agreement sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.
Wika pa ni Lacierda, inatasan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pangyayari kung saan ay napatay ng PCG ang 65-year old na Taiwanese fisherman na si Hung Shih-Cheng matapos pumasok ang kanilang fishing vessel sa Philippine waters sa Balintang Channel upang illegal na mangisda.
Aniya, personal na humingi ng public apology si Pangulong Benigno Aquino III sa Taiwan government sa pamamagitan ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez kaugnay sa pagkamatay ng 65-anyos na mangingisda.
Sa statement ni Perez, sinabi nito na inihatid niya sa Taiwan government ang paghingi ng apology ni PaÂngulong Aquino kasabay ang paniniguro sa patas na imbestigasyon sa pangyayari.
- Latest