^

Bansa

Maulan na pero ‘di pa tag-ulan- PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Niliwanag kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Ser­vices Administration (PAGASA) na hindi pa pumapasok ang panahon ng tag-ulan sa bansa bagamat dumaranas ngayon ang maraming lugar  ng mga pag-uulan.

Ayon kay Rene Paciente, weather forecaster ng PAGASA, normal lamang ang mga paminsan-minsang pag-ulan pero ang tag-ulan ay maaaring pumasok pa sa huling linggo ng Mayo o sa unang linggo ng buwan ng Hunyo.

Maari lamang anyang masabing tag-ulan na kapag may tatlong araw na sunod-sunod na pag ulan na may 1-mm ng patak ng ulan sa isang araw, may limang araw na ulan na umaabot sa  25-mm o mahigit pa  at kailangan ang hangin ay dapat na mula sa timog kanluran sa  West Philippine Sea.

 Kahapon , ilang lugar sa bansa ay nakakaranas ng makulimlim na panahon na may paminsan minsang pag-uulan laluna sa Metro Manila at karatig na lugar.

AYON

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SER

HUNYO

KAHAPON

MAARI

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

RENE PACIENTE

ULAN

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with