Back channeling talks sa problema sa Taiwan iginiit
MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ng ilang senador ng Aquino administration na gumamit ng back channeling talks upang maresolba ang sigalot sa Taiwan na nilikha ng pagkakabaril ng Philippine Coast Guard sa isang 65-taong gulang na mangingisdang Taiwanese.
Ayon kay Senator Francis “Kiko†Pangilinan mas makakabuting gumamit ng back channeÂling talks upang mabawasan ang tensiyon.
Maari rin aniyang magsagawa ng bilateral talks ang gobyerno sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO). “Face to face talks should proceed immediately,†anang senador.
Inihayag ni TaiwaÂnese President Ma Ying-jeou noong Sabado na ikinokonsidera ng Taiwan ang sanctions laban sa Pilipinas sa gitna ng malawakang ‘public outrage’ sa pagkamatay ng mangingisdang Taiwanese.
Isa sa mga pinag-iisapan umanong sanction na puwedeng ipataw ng Taiwan sa gobyerno ng Pilipinas ay ang pagtigil sa pagkuha ng mga Filipino workers.
Inihayag naman ni Senator Gregorio Honasan II na bukod sa opisyal na public apology na ipinalabas ng gobyerno maari ring panatilihin ng pamahalaan ang foreign at economic policies nito upang hindi na maulit ang nasabing insidente sa hinaharap.
- Latest