‘Kill Hagedorn’ plot ibinisto
MANILA, Philippines - Isinasangkot ang daÂting opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group sa bigong pagÂpatay kay Puerto PrinÂcesa City Mayor at senatorial candidate Edward Hagedorn sa halalan noong 2007.
Nabatid na nilagdaan ng isang Joel Matillano, sinasabing pinsang-buo ni Eduardo Matillano na dating direktor ng CIDG, ang sinumpaan niyang tatlong pahinang salaysay o affidavit sa harap ni Assistant State ProseÂcutor Philip dela Cruz.
Sinabi ni Joel Matillano na, bilang magpinsang-buo, malalim at ma lawak ang kanyang pagkaalam sa nabigong pagpatay kay Hagedorn noong 2007.
Noon lang Miyerkules isina-publiko sa PPC ang “kumpisal†ni Joel bagaman ginawa niya ito noon pang Pebrero. Nakakulong ngayon sa PPC si Joel.
Ani Joel, nagsilbi siyang “closed-in bodyguard†ni Matillano nang magdesisyon itong tumakbo bilang mayor ng PPC noong 2007 elections kalaban ni Hagedorn.
Aniya, dalawang grupo mula sa Davao ang kinontrata umano upang patayin si Hagedorn (“04â€), ang kanyang kaÂpatid na si Douglas (“Tigerâ€) at isang Col. Dimayuga (“Galadgadâ€), batay na rin sa sinabi sa kanya ni “Kiko Aquino,†na umaÂno’y “chief of staff†naman ni Matillano.
Nabigo naman ang pagpatay kay Hagedorn na binalak pasabugan ng granada matapos biglang baguhin ni Hagedorn ang venue ng kanyang political rally.
- Latest