^

Bansa

‘Money ban’ tuloy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi babawiin ng Commission on Elections ang â€œmoney ban” at sa halip ay maglalabas ng amendatory supplemental resolution kaugnay sa kontrobersiyal na isyu.

Ayon kay Comelec Chair­man Sixto Brillantes, itutuloy nila ang money ban bagama’t kaliwa’t kanan ang bumabatikos sa ka­nilang ipinatutupad na batas.

Sa ilalim anya ng amended resolution, ilili­mita pa rin sa P100,000 ang pag-wi-withdraw kada araw, pero may diskresyon dito ang mga bangko.

“May inilagay kaming provision dun which says that while we are still limiting the withdrawal to P100,000 per day, we are giving discretion to the banks or bank officials since they have what is known as customer relationship. Alam nila kung sino ‘yung kanilang mga customer na nag-wi-withdraw regularly ng lampas ng P100,000, this will fall under the exception.”

Gayunman, sakali anyang tumutol dito ang Bangko Sentral ng Pili­pinas (BSP) at tumangging maglabas ng circular sa mga bangko, ang huli ang maaaring makastigo sa bawat transaksyong lampas sa P100,000.

Inaayos pa ng Come­lec ang parusa sa mga lalabag sa resolusyon.

Inaasahang mailalabas ang amendatory sup­plemental resolution ka­ha­­pon at agad na magi­ging epektibo, kahit walang pitong araw na publication. 

Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na ba­gamat maganda ang layunin ng resolution ng Comelec upang malabanan ang vote-buying sa May 13 elections ay marami naman sektor ang maaapektuhan nito.

Magugunita na nagpalabas ng resolution 9688 ang poll body para sa money ban na ang magpapatupad ay ang Bangko Sentral ng Pili­pinas mula Mayo 8-13.

Kaagad sinalungat ito ng BSP gayundin ng business sector. (May ulat ni Rudy Andal)

ALAM

AYON

BANGKO SENTRAL

COMELEC

COMELEC CHAIR

PANGULONG AQUINO

RUDY ANDAL

SHY

SIXTO BRILLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with