^

Bansa

5 araw na liquor ban pinigil ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema laban sa pagpapatupad ng mas mahabang panahon ng liquor ban.

Inanunsiyo ni Atty. Theodore Te, ng Public Information Office ng Supreme Court na ang TRO ay ipatutupad simula ngayon.

Nag-ugat ang nasabing hakbang ng korte sa petis­yong inihain ng Food and Beverage Inc. at International Wines and Spirits Association Inc. kahapon na kumukwestiyon sa ligalidad ng extended liquor ban.

Iginiit ng dalawang kumpanya na hindi sakop ng hurisdiksyon ng Comelec ang nasabing resolusyon dahil binago nito ang probisyon sa Section 261 ng Omnibus Election Code na nagtatakda lamang ng dalawang araw na liquor ban, iyan ay sa bisperas at sa mismong araw ng eleksyon.

Pinagsusumite ng SC ang Comelec ng komento kaugnay sa nasabing petisyon hanggang ngayong hapon.

Sa ilalim ng kinu­kwestiyong Comelec Mi­nute Resolution, ginawang limang araw ang dating dalawang araw na pag-iral ng liquor ban.

Bunsod ng TRO, iiral na lang ang liquor ban sa bisperas at mismong araw ng halalan

Kung hindi nagpalabas ng TRO ang SC, iiral sana ang liquor ban mula Mayo 9 hanggang Mayo 13.

vuukle comment

COMELEC

COMELEC MI

FOOD AND BEVERAGE INC

INTERNATIONAL WINES AND SPIRITS ASSOCIATION INC

KORTE SUPREMA

OMNIBUS ELECTION CODE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SUPREME COURT

THEODORE TE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with