RJ lumaki ang lamang sa kanyang kalaban
MANILA, Philippines - Nanguna si Caloocan City mayoralty candidate Ricojudge “RJ†Echiverri sa pinakahuling survey na isinagawa ng kilalang survey firm matapos iwan nito ng malaking puntos ang kanyang mga kalaban sa pagka-alkalde ng lungsod.
Sa isinagawang survey ng Asia Research Organization, Inc. (ARO), lumalabas na 11 sa 16 na zones ang pumapabor kay Echiverri at sa 1,200 na rehistradong botante, 56% ang nakuha ni RJ ng Liberal Party (LP) habang 41 percent ang kay Oca Malapitan ng United Nationalist Alliance (UNA) samantalang 2 percent lamang kay Boy Asistio (Independent), 1 percent naman dito ang undecided. Ang pinakahuling lumabas na survey ay ginanap noong April 29 hanggang May 3, 2013.
Umangat din sa survey si RJ kung saan ay nakakuha ito ng 54 percent trust rating kumpara sa 41 percent at 5 percent nina Malapitan at Asistio ayon sa pagkakasunod.
Sa labanan naman sa kongreso, malaki ang inilamang ni Mayor Enrico “Recom†Echiverri (LP) sa 1st District kung saan ay nakakuha ito ng 60% habang si Along Malapitan (UNA) ay may 34 percent samantalang si RoÂberto Guanzon (Independent) ay mayroon lamang 5 percent habang 1 percent din ang undecided.
- Latest