^

Bansa

500 sundalo idineploy sa Lanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mapigilan ang pagdanak ng dugo, nagdeploy na kahapon ng isang batalyong sundalo o kabuuang 500 ang Army’s 1st Infantry Division (ID) sa lalawigan ng Lanao del Sur, walong araw bago ang midterm elections.

Ang Lanao del Sur ay kabilang sa idineklarang high risk provinces ng Comelec kaugnay ng gaganaping halalan.

Sinabi ni Army’s 1st Infantry Division (ID) Commander Brig. Gen. Daniel Lucero na ang hakbang ay upang maipatupad ng tropa ng militar ang security control sa lalawigan bunga ng mainit na banggaan rito ng magkakalabang kandidato.

Ang karagdagang isang batalyon ay kinabibilangan ng 12 opisyal at 364 personnel sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Cornelio Arboleda.

Ayon kay Lucero ang tropa ni Arboleda ay gaganap sa kanilang poll duty umpisa kahapon hanggang Mayo 15 at depende ito sa kalalabasan ng halalan sa lalawigan.

Magugunita na sa nakalipas na mga halalan sa lalawigan ay marami sa mga lugar dito ay naidedeklara ang ‘failure of election’ dahil sa mga karahasan gaya ng pagpapaulan ng mortar sa mga polling precints, pangha-harass sa mga botante at iba pa.

Nitong April 25 ay tinambangan ng mga armadong kalalakihan ang convoy ni Nunungan, Lanao del Norte Mayor  Abdulmalik Manamparan na ikinasugat nito at 9 pang katao habang nasawi naman ang anak nito at 12 iba pa ay rido ang motibo ng krimen. Si Abdulmalik ay tumatakbong alkalde sa kanilang bayan at ang anak nitong lalaki ang kandidatong mayor.

ABDULMALIK MANAMPARAN

ANG LANAO

COMMANDER BRIG

CORNELIO ARBOLEDA

DANIEL LUCERO

INFANTRY DIVISION

LANAO

NITONG APRIL

NORTE MAYOR

SI ABDULMALIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with