^

Bansa

3-buwang palugit pa sa illegal OFWs sa Saudi, hirit ng DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihilingin ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa Saudi government na mabigyan pa ng 3-buwang palugit ang mga undocumented OFWs na nagka-camp sa harapan ng Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah.

Ayon kay del Rosario, layunin nito na mabigyang pagkakataon ang mga illegal OFWs na maayos ang kanilang legalisasyon sa pananatili sa Saudi lalo na ang mga overstaying at ma-korek ang status ng work visa ng Pinoy na karamihan ay tumakas sa kanilang mga amo.

Nitong nakalipas na buwan ay nagbigay na si Saudi King Abdullah ng tatlong buwang reprieve para sa mga foreign workers na illegal na nananatili sa Saudi at pagkatapos nito ay itutuloy na ang crackdown sa mga ito bilang pagtupad sa Saudi law na pagpapaalis sa mga dayuhang manggagawa na umaabot na ng mahigit anim na taon sa kingdom at magbibigay prayoridad naman sa mamamayan ng Saudi na siyang mabigyan ng trabaho.

Kasalukuyan nang hinahanap ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Konsulado sa Jeddah ang mga employer ng mga OFWs na humihiling na makauwi sa Pilipinas upang mabigyan sila ng “No Objection Certificate”.

Isang Pinoy na may sakit na ulcer at kasama sa mahigit 3,000 gustong umuwi sa bansa ang namatay habang kasama sa mga nagka-camp sa tapat ng Konsulado.

AYON

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

ISANG PINOY

JEDDAH

KONSULADO

NO OBJECTION CERTIFICATE

PILIPINAS

SAUDI KING ABDULLAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with