San Pablo City pinadedeklarang ‘hot spot’
MANILA, Philippines - Kinalampag ng mga residente ng San Pablo, Laguna ang Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) para ideklarang election hotspot ang kanilang lugar dahil umano sa nagaganap na patayan na may kaugnayan sa nalalapit na sa eleksyon.
Nag-ugat ang apela ng mga residente dahil sa magkasunod na insiÂdente ng pagpatay sa San Pablo City kina Kagawad Ronald “Puti†Acbang ng Barangay San Crispin at Joselito Ilagan, tiyuhin ng vice mayoralty candidate na si Martin Ilagan ngayong Abril.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng kasong pagpatay sa San Pablo na iniuugnay sa eleksyon.
Nauna dito ay apat na armadong kalalakihan ang bumaril at pumatay kay Provincial Board Member Reynaldo Paras at bodyguard na si Geovanni Dumaraos noong isang taon sa Barangay 7-C . Naibulong pa umano ni Paras sa kanyang doktor at pulis ang pinaghihinalaan niyang mastermind ng pamamaril sa kanya na kaanak umano ng isang tumatakbong mayor.
Binaril at napatay naman noong Enero 2, 2013 ang konsehal ng San PabÂlo na si Edgardo “Doc Egay†Adajar kasama ang kanyang bodyguard na si Leonardo Beltran sa labas ng sabungan sa Barangay Concepcion.
Hinihinalang ang pagbatikos nito sa umano ay pang-aabuso sa kapangyarihan ng ilang pulitiko sa lungsod, ang dahilan ng pagkakapatay rito.
- Latest