^

Bansa

Bam Aquino inendorso ng 1-UTAK

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inendorso ng 1-Utak Party List si Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino, kasama na rin ang kapwa-Team PNoy senatoriables na sina Sonny Angara at Jun Magsaysay, dahil sa pagsulong nila ng mga platapormang makakatulong sa hanapbuhay ng mga manggagawa at sa sektor ng transportasyon.

Nagpasalamat si Bam Aquino sa suportang i­binigay ng grupo, at paiigitingin pa raw niya ang pagsulong ng kanyang plataporma upang masolusyunan ang mga isyung hinaharap ng mga manggagawa sa transport sector.

Isa lang ang 1-Utak sa iba pang mga grupong umendorso kay Bam, tulad ng Urban Poor Associates, One Nation Movement, US Pinoys for Good Governance, Kaya Natin!, Ten Tribes of Davao City, award winning na actor na si Dingdong Dantes at marami pang ibang mga indibidwal at grupong may kumpiyansa sa batang Aquino.

Si Aquino ay tumatakbo sa platapormang edukasyon, trabaho, at negos­yo para matulungan ang bawat pamilyang Pilipino na kumita at umasenso, at para tuluyan nang tapusin ang kahirapan.

Ayon kay Bam, ang kanyang mga unang isu­sulong sa Senado ay ang Education 2.0 Act, na magbibigay ng mas maraming mga scholarship at college financing sa mga mag-aaral; ang GoTrabaho Act, na magsusulong ng schools-to-jobs matching at skills training para sa mga naghahanap ng trabaho; at ang GoNegos­yo Act na magbibigay ng mas malawak na suporta para sa mga pinakama­liliit na negosyo kasama na rin ang mga magsasaka, mangingisda, at mga nagtitinda ng kalakal.

vuukle comment

BAM AQUINO

BENIGNO BAM AQUINO

DINGDONG DANTES

GOOD GOVERNANCE

JUN MAGSAYSAY

KAYA NATIN

ONE NATION MOVEMENT

SI AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with