^

Bansa

Comelec pinapipiga sa source code

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat munang pigain ang Commission on Elections (Comelec) upang makuha ang source code sa PCOS machines na gagamitin sa elekyon dahil dito umano makikita ang detalyadong bilang ng mga boto ng mga kandidato.

Paliwanag ni UNA senatorial candidate at Zambales Rep. Mitos Magsaysay, nakakabahala ang tila pagtanggap ng Comelec na hindi na makukuha ang source code mula sa Smartmatic na patunay din umano na walang kahandaan sa eleksyon.

Magiging ala-tsamba rin umano ang magiging resulta sa May 13 election dahil hindi naman makikita kung paano ang bilang na ginawa ng PCOS machines sa mga balota,

Sa kabila nito pinawi naman nina Agham Party­list Rep. Angelo Palmones at Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, ang pa­ngamba ng marami sa pagkawala ng source code ng gagamiting mga PCOS machines.

Paliwanag ni Palmones na mas maliit ang tsansang magkaroon ng dayaan gamit ang PCOS machines kumpara sa manual counting na mahabang proseso at napakabagal na resulta.

Tiwala naman si Batocabe na hindi magpapabaya si Comelec Chairman Sixto Brillantes at si­guradong sisikapin nitong magkaroon ng malinis na halalan.

AGHAM PARTY

AKO BICOL PARTYLIST REP

ANGELO PALMONES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

MITOS MAGSAYSAY

PALIWANAG

RODEL BATOCABE

ZAMBALES REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with