^

Bansa

Landmine vs mayoralty bet, nasilat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasilat ng mga alertong security aide ang planong landmine attack ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) laban sa convoy ng mayoralty candidate ng Loreto, Agusan del Sur kamakalawa.

Sa ulat, sinabi ni Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba, bandang alas-10 ng umaga nang marekober ang improvised explosive device (IED) sa bisinidad ng Barangay Sto. Tomas.

Ang nasabing bomba ay nadiskubre ng dalawang sibilyang aide ni Loreto mayo­ralty candidate Dario Otaza habang nagsasagawa ng clearing operation sa lugar na daraanan ng kanilang aspirante.

Agad namang ru­mesponde ang mga operatiba ng pulisya, 14th Special Action Company at ang Army’s 26th Infantry Battalion sa kinatagpuan ng landmine na itinanim ng mga rebelde.

Nabatid na ang narekober na bom­ba ay sinangkapan ng 2 ¾ ng pulbura, PVC housing na may lever at push button switch, energizer batteries, blasting camp at 87.5 metro ng electrical wiring.

Pinaniniwalaang si Otaza ang target ng landmine attack dahil sa pagtanggi nitong magbayad ng permit to campain (PTC) fees  na iniimplementa ng NPA.

AGUSAN

BARANGAY STO

CARAGA

DARIO OTAZA

INFANTRY BATTALION

LORETO

MARTIN GAMBA

NEW PEOPLE

SPECIAL ACTION COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with