^

Bansa

168 atleta tinamaan ng diarrhea

Ricky Tulipat, Mer Lay­son - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 168 atletang estudyante na kalahok sa Palarong Pambansa 2013 ang isinugod sa ospital sa Dumaguete City, ­Negros Oriental matapos na tamaan ng diarrhea sa ininom na juice habang naghahanda sa gaganaping sports event ng Department of Education kahapon.

Ayon kay Office of Civil Defense Region 7 director Minda Morante, ang mga biktima na pawang mga taga Tacloban sa Region 8 nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagtatae.

Sa inisyal na pagsusuri, lumilitaw na ang binili at ininom na juice ang dahilan ng pagtatae o pagkakaroon ng diarrhea ng mga atleta. Iniimbestigahan na rin ang tubig o yelo inihalo sa juice na maaring pinagmulan ng diarrhea.

Sa huling ulat, 11 na lamang umano ang isinasailalim sa obserbasyon sa Negros Occidental provincial hospital.

Alas-3:30 ng hapon kamakalawa ng buksan ang Palaro kung saan mahigit 8,000 atleta mula sa 17 rehiyon ng bansa ang magtatagisan sa iba’t ibang sports competition na taunang events ng DepEd.

Iniutos na ni Education Sec. Armin Luistro na imbestigahan ang insidente kasabay ng babala na huwag bumili ng pagkain sa mga ambulant vendor na nagkalat sa kalye malapit sa ginaganapan ng Palaro.

Pinag-aaralan na rin ng DepEd kung papaglaruin pa ang mga atleta na tinamaan ng nasabing sakit o papauwiin na lamang ang mga ito.

Ang Palaro ay magtatagal ng isang linggo o hanggang April 27.

ANG PALARO

ARMIN LUISTRO

DEPARTMENT OF EDUCATION

DUMAGUETE CITY

EDUCATION SEC

MINDA MORANTE

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS ORIENTAL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE REGION

PALARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with