^

Bansa

6 senat’l bets inendorso ng El Shaddai

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim na senatorial candidates ang inendorso ng El Shaddai Catholic Charismatic Movement kamakalawa ng gabi na inanunsyo ni Bro. Mike Velarde sa harap ng kanyang mga followers.

Sinabi ni Bro. Mike Velarde, ang pagiging pro-life ng anim na senatoriables ang pangunahing na­ging batayan ng grupo sa kanilang pag-eendorso.

Tatlo sa mga ito ay mula sa Team P-Noy na kinabibilangan nina dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, re-electionist Sen. Koko Pimentel III at Sen. Antonio Trillanes IV habang ang tatlong iba pa ay nagmula naman sa United Nationalist Alliance (UNA) na sina re-electionist Sen. Gringo Honasan, Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay at San Juan City Rep. JV Ejercito Estrada.

Bukod sa El Shaddai group, kaisa rin umano sa pagdedeklara ng suporta sa mga kandidatong nabanggit ang mga miyembro ng Couples for Christ – Foundation for Family and Life, Catholic Women’s League, Focolare Movement at Ang Lingkod ng Panginoon na pawang kabilang sa White Vote Coalition.

Pero ilang pari ang tutol sa ginagawa ng grupo dahil hindi umano ito ang pamamaraang nakasanayan ng mga Katoliko.

 

vuukle comment

ANG LINGKOD

ANTONIO TRILLANES

CATHOLIC WOMEN

CYNTHIA VILLAR

EJERCITO ESTRADA

EL SHADDAI

EL SHADDAI CATHOLIC CHARISMATIC MOVEMENT

FAMILY AND LIFE

FOCOLARE MOVEMENT

MIKE VELARDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with