Wind mill sagot sa power shortage sa Mindanao
MANILA, Philippines - Iminungkahi ng isang mambabatas ang pagtatayo ng wind mill power generation upang masolusyunan ang power shortage sa Mindanao.
Sa House Bill 1262 na inihain ni Tawi-Tawi Rep.Nur Jaafar, iginiit nito na ang konstruksyon ng wind mill power generation ay makakatulong sa nararanasang krisis sa kuryente sa nasabing rehiyon.
Paliwanag ni Jaafar ang wind power ay alternatibong fossil fuel, renewable, malawak na maipapamaÂhagi at malinis dahil wala itong ibinubugang greenhouse gas emission sa pag-o-operate nito at magagamit lamang nito ang maliit na lupain.
Inihalimbawa din ng mambabatas ang Bangui windmills sa Ilocos Norte na itinatag noong 2005 na hanggang ngayon ay nagbibigay ng 40 porsiyentong kuryente sa nasabing lalawigan.
Idinagdag pa ng mambabatas ang P2 billion-wind power project na 48 megawatts sa Oriental Mindoro, na itinayo ng gobyern ng Italia na siyang may pinaka maÂlaking renewable energy project sa bansa na maaaÂring magpababa sa electrical consumption ng hanggang P6.60 per kilowatt sa lalawigan.
Itinatakda din sa panukala na ang Department of Energy (DOE) ang siyang magtatayo ng windmill power generation projects sa Mindanao sa pakikipagtulungan na rin sa ibang ahensiya.
Ang wind power ay conversion ng wind energy para maging uri ng enerhiya na maaaring magamit tulad ng wind turbines na maaaring makagawa ng electrical power, windmills para sa mechanical power, wind pumps para sa water pumping o drainage.
- Latest