^

Bansa

Smuggling labanan, magsasaka sagipin!

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kailangang labanan at tugisin ng gobyerno ang laganap na smuggling kung gusto nitong sagipin ang kita’t kabuhayan ng mga magsasaka.

Ito ang giit ni Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino, na kasalukuyan ay umiikot sa Region II at nakikipag-konsulta sa mga mamamayan sa nasabing rehiyon.

Ani Aquino, ang rice smuggling ay ang pa­ngunahing dahilan kung bakit nahihirapan ang mga magsasakang kumita at umasenso.

Ayon pa sa nakababatang Aquino, na suportado ng kanyang pinsang si Pangulong Noynoy Aquino, nahihirapang ibenta ang bigas na galing sa Cagayan Valley dahil sa talamak na pagpasok ng iligal na bigas galing Vietnam at Tsina sa merkado. 

Giit ni Aquino na ka­ila­ngan aniya na may masampolang big-time smuggler para ipakita na seryoso ang gobyerno sa pagtugis sa problemang ito.

vuukle comment

ANI AQUINO

AQUINO

AYON

BENIGNO BAM AQUINO

CAGAYAN VALLEY

GIIT

KAILANGANG

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with