^

Bansa

Seguridad ng pamilya Burgos tiniyak ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Korte Suprema ang seguridad ng  pamilya Burgos partikular ni Gng. Editha Burgos, ina ng nawawalang aktibista na si Jonas Burgos bunsod na rin ng panibagong ebidensiya sa kaso.

Kahapon ay nagpalabas ng temporary protection order (TPO) ang SC kasabay ng nadiskubreng mga ebidensya na may kinalaman sa pagkawala ni Jonas.

Inaatasan ng SC ang DoJ at NBI na bigyan ng seguridad si Gng. Burgos at ang buong pamilya nito batay na rin sa itinatakda sa ilalim ng rule on writ of amparo.

Pinagsusumite rin ng SC ang DoJ at NBI ng confidential memorandum kaugnay sa security arrangement na ipinagkaloob sa pamilya Burgos sa loob ng limang araw.

Pinagkokomento naman ng Korte ang AFP at ang ilan nitong mga dati at kasalukuyang opisyal kaugnay ng inihaing mosyon ni Mrs. Burgos.

vuukle comment

BURGOS

EDITHA BURGOS

GNG

INAATASAN

JONAS

JONAS BURGOS

KAHAPON

KORTE

KORTE SUPREMA

MRS. BURGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with