^

Bansa

Karapatan ng OFWs itataguyod pa rin ni Loren

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni reelectionist Senator Loren Legarda na patuloy niyang itataguyod ang karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (kasama ang mga seaman) kapag muli siyang nahalal sa Senado.

“Patuloy kong ipag­lalaban ang karapatan ng ating mga OFWs sa loob at labas ng Senado,” pagtitiyak ni Legarda. “Sa katunayan may mga batas at international treaty na akong itinulak para sa kapakanan nilang naghahanapbunay sa ibang bansa.”

Matatandaan na pi­nagtibay ng Senado noong nakaraang taon ang 19 na tratado na nagbibigay ng proteksyon sa mga overseas Filipinos, kabilang ang ILO Convention 189 on Decent Work for Domestic Workers, Maritime Labour Convention (MLC) for the protection of the rights of seafarers at Convention on Social Security between the Philippines and Spain.

Sinabi pa ni Legarda na gumanda ang employment conditions ng mga domestic workers sa Pilipinas at sa buong mundo dahil sa ILO Convention 189.

Sa ILO convention, makikinabang sa tratado ang 3.4 milyong kasambahay na Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas sa mga saligang karapatan tulad ng makatwirang oras ng trabaho, day off, malinaw na impormasyon sa kundisyon sa pamamasukan at kalayaan sa asosasyon.

DECENT WORK

DOMESTIC WORKERS

LEGARDA

MARITIME LABOUR CONVENTION

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PHILIPPINES AND SPAIN

PILIPINAS

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with