^

Bansa

Barko ng China sumadsad sa Tubbataha

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit isang linggo matapos maialis ang USS Guardian, isa namang barkong pangisda ng China ang nabalahura sa Tubbataha Reefs.

Nabatid kay Col. Ed­gard Arevalo, Philippine Navy spokesman na bandang alas-11:45 ng gabi nitong Lunes ng sumadsad ang fishing vessel ng China sa North Islet, Tubbataha Reef.

Ang barko na may hull number 63168 ay may sakay na 12 tripulante.

Inatasan na ni Pa­ngulong Aquino ang Park rangers na magsagawa ng imbestigasyon sa ulat na nakapasok sa territorial waters ng Pilipinas ang Chinese fishing boat.

Magugunita na naiahon pa lamang ang USS Guardian kamakailan matapos itong sumadsad sa Tubbataha reef may 3 buwan na ang nakakaraan. 

Sa tala ng Tubbataha Management Office, aabot sa halos 4,000 square meters ang naging pinsala ng USS Guardian o kabuuang $1.4 milyon o katumbas na P58 milyon na kailangang bayaran ng US Navy sa pamahalaan.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng assessment ang TMO sa laki ng pinsala ng sumadsad na Chinese fishing vessel sa lugar.

AQUINO

AREVALO

INATASAN

KASALUKUYAN

NORTH ISLET

PHILIPPINE NAVY

TUBBATAHA MANAGEMENT OFFICE

TUBBATAHA REEF

TUBBATAHA REEFS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with