^

Bansa

Na-heat stroke dumarami

Angie dela Cruz, Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunsod ng matinding init ng panahon, sa loob lamang ng linggong ito ay umaabot na sa 12-pas­yente ang isinugod sa Quirino Memorial Medical Center dahil sa heat stroke.

Ayon kay Dr. Jojo Mercado, spokesman ng QMMC, nasa kritikal na kalagayan nga­yon ang ilan sa mga dinalang pasyente doon dahil ang iba ay kinakitaan ng pagputok ng ugat sa utak, pagbabara ng ugat dahil sa cholesterol at ang ilan ay may matataas na blood pressure.

Nabatid kay Philippine Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) president Dr. Rustico Jimenez na lima hanggang 10 kaso nito kada araw ang naitatala.

Bunsod nito, patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na palagiang uminom ng tubig upang maiwasan ang epekto ng init ng pa­nahon, magsuot ng mapepreskong damit at huwag magtatagal sa labas ng bahay dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Sinabi ni Mercado na kung wala rin lamang importanteng gagawin sa labas ay mas makabubu­ting mamalagi na lamang ang mga ito sa loob ng bahay para makaiwas sa heat stroke.

Ilan sa sintomas ng heat stroke ang pagkahilo, makating balat, mataas na temperatura at pagkawala ng malay. Posibleng ikamatay ito sa loob ng ilang oras.

AYON

BUNSOD

DR. JOJO MERCADO

DR. RUSTICO JIMENEZ

ILAN

MERCADO

NABATID

PHILIPPINE PRIVATE HOSPITAL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with