Recom nagbabala sa pekeng pera
MANILA, Philippines - Nagbabala si Caloocan City Mayor Enrico “Recomâ€Echiverri sa mga residente ng lungsod laban sa nagpapakalat ng pekeng pera matapos na isang lalaki ang maaresto dahil sa pagbili gamit ang pinekeng salapi.
Naaresto ang suspek na si Richard Santos, 40-anyos, ng Sta. Cruz, Manila matapos itong bumili sa tindahan ng kapangalan ng artistang si Maricel Soriano, 30 ng J. Teodoro St., 5th Avenue, Caloocan City.
Ayon kay Echiverri, posibleng samantalahin ng mga sindikato na nagpapakalat ng pekeng pera ang panahon ng election campaign upang makapang-biktima partiÂkular na sa mga maliliit na tindahan.
Inalerto na rin ni EchiÂverri ang lokal na pulisya upang agad na maaresto ang mga taong nagpapaÂkalat ng pekeng pera na hinihinalang umiikot lamang sa iba’t ibang lugar sa Kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan.
Sa ulat na isinumite ni Sr. Supt. Rimas Calixto, hepe ng Caloocan City Police, alas-5:30 ng hapon noong April 2, 2013 nang maaresto ang suspek nang bumili ito ng isang kaha ng sigarilyo sa tindahan ni Soriano.
Ipinambayad umano ng suspek ang P500 sa binili nitong isang kahang sigarilyo bago mabilis na umalis ngunit nang siyasatin ito ni Soriano ay napansin nito ang control number ng pera na magkakasunod.
Agad naghinala ang biktima kaya’t mabilis na hinabol ang suspek na nakatawag naman ng pansin sa mga residente na tumulong upang maaresto si Santos.
Kamakailan ay nagbigay na rin ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa pekeng pera
- Latest