Loren matatag pa rin sa no. 1
MANILA, Philippines - Matatag pa rin sa unang puwesto si reelectionist Sen. Loren Legarda habang bumalik sa no. 3 si Sen. Alan Peter Cayetano.
Base sa pinakahu ling survey na inilabas ng Pulse Asia na isinagawa sa pagitan ng Marso 16-20, 2013 na nilahukan ng 1,800 respondents, siÂyam na kandidato ng Team PNoy ang pasok sa Magic 12 sa panguÂnguna ni Legarda na may 55.3%.
Sinasabing naging paborito pa rin ng publiko si Legarda dahil na rin sa kanyang layunin na magkaroon ng trabaho ang bawat Pilipino.
Muli namang nakopo ni Sen. Francis “Chiz†Escudero ang 2nd spot na nakakuha ng 51.5% kasunod si Cayetano na may 48.7%.
Pang-apat si Grace Poe (42.1%), Koko PiÂmenÂtel (41.7%) at Cynthia Villar (40.8%), Nancy Binay (39.6%), Bam Aquino (38.6%), JV Ejercito Estrada (38.6%), Antonio TrilÂlanes IV (37.7%), Gringo Honasan (36.8%) at pang-12 si Sonny Angara (34.6%).
- Latest