^

Bansa

Tubig sa mga dam sa Luzon bumaba

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumaba ang level ng tubig sa mga dam sa Luzon dulot ng patuloy na pag-init ng panahon sa bansa.

Ayon kay Elmer Karingal, hydrologist ng Pag Asa, karaniwang epekto ng pagpasok ng tag-init ang pagbaba ng water level sa mga water reservoir dahil sa madalang na pag-ulan at pag-abot na sa 37 celcius ng temperatura sa Luzon.

Pero kung titindi pa anya ang mataas na temperature, patuloy na bababa ang level ng tubig dahil mabilis din ang evaporation process na nakakadagdag sa mabilis na pagbawas ng tubig dito.

Ang Magat Dam sa Isabela na isa sa pangunahing pinagkukunan ng inuming tubig ay bumaba na sa 174 metro mula sa 180 metro na normal nitong antas.

Nangangamba ang mga magsasaka na bu­magsak din ang kanilang produksyon ng mga gulay at iba pang pananim kung tatagal ang matinding init.

Gayunman, sinabi ni Karingal na maiiwasan naman ito kung magsasagawa ang pamahalaan ng solusyon sa problema tulad ng cloud seeding operation.

Nitong Martes, pumalo sa 37 degrees Celsius ang temperatura sa Tugue­garao City; 35.3 degrees Celsius sa Ilagan, Isabela; kamakalawa ay 36 degrees Celsius sa Subic, Zambales habang sa Metro Manila ay 34.9 degrees Celsius.

ANG MAGAT DAM

AYON

BUMABA

ELMER KARINGAL

ISABELA

LUZON

METRO MANILA

NITONG MARTES

PAG ASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with