^

Bansa

4,300 tinamaan ng HIV ngayong 2013

Doris Borja, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 4,300 ang pasyenteng tinamaan ng human immunodeficiency virus (HIV) ngayong taon.

Sa ipinalabas na datos ng National Epidemiology Center ng Department of Health (DOH), ang 380 ay sa buwan ng Enero habang 339 ay naitala noong Pebrero.

Mas marami pa rin sa biktima ng HIV ay mga lalaki at karamihan sa mga nagpopositibo sa HIV at AIDS ay nasa edad 20 hanggang 29.

Lahat umano ng nasabing kaso kabilang na ang 45 OFW ay nahawahan sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Ang Pilipinas ay kabilang sa pitong bansa na may pinakamabilis at nakakaalarmang bilang ng kaso ng may HIV gaya ng Armenia, Bangladesh, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, at Tajikistan batay na rin sa ulat ng World Health Organization.

 

ANG PILIPINAS

DEPARTMENT OF HEALTH

ENERO

KAZAKHSTAN

KYRGYZSTAN

LAHAT

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

PEBRERO

TAJIKISTAN

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with