^

Bansa

Holy Week generally peaceful – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita sa Semana Santa sa bansa.

Ayon kay P/Director Alex Paul Monteagudo, PNP Director for Ope­rations sa kaniyang isi­numiteng ulat kay PNP Chief Director General Alan Purisima, maliban sa isang insidente ng pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Station of the Cross sa Butuan City noong Biyernes Santo ay wala ng mga bayolenteng mga kaganapan ang iniulat ng Police Regional Offices.

Ayon sa opisyal, mananatili ang pagpapatupad ng alerto sa Semana Santa hanggang Lunes dahil inaasahang magsisipagbalikan na sa Metro Manila at iba pang mga urban centers ang mga bakasyunista na nagtungo sa mga lalawigan.

Sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., sa pagpapatuloy ng law enforcement operations nitong Semana Santa ay marami ang nasakoteng lumabag sa Comelec gun ban, street crimes at mga sangkot sa droga.

Sa kabuuan umpisa sa implementasyon ng gun ban noong Enero 13, 2013  hanggang nitong Sabado de Gloria ay umaabot na sa 2,032 ang mga nahuling indibidwal na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng 1,982 mga armas.

Binigyang diin pa ni Cerbo na ang 150 day gun ban period ay magpapatuloy kaugnay ng midterm elections sa Mayo 2013.

 

AYON

BIYERNES SANTO

BUTUAN CITY

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DIRECTOR ALEX PAUL MONTEAGUDO

GENEROSO CERBO JR.

METRO MANILA

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with