^

Bansa

Magpinsan inatado, isinilid sa sako

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang magpinsang binata ang natagpuang nakasilid sa sako na tadtad ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nakilala ang mga biktima na sina Arnel Castro, 19 at Reynaldo Castro, 21, kapwa ng Road 10, North Bay Boulevard North, Navotas City.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-8:00 ng umaga nang makita ng ilang batang kalye ang dalawang sako sa creek sa Sansiangco St., Barangay Tonsuya ng naturang lungsod.

Mabaho na ang amoy ng mga sako at nang tignan ang loob ay nakita ang mga bangkay ng magpinsan.

Lumalabas na may mga saksak sa katawan ang mga biktima at halos naaagnas na rin na hinihinalang sa ibang lugar pinatay at isinilild sa sako bago itinapon sa nasabing lugar.

Nabatid sa mga kaanak ng biktima na huling nakitang buhay ang dalawa dakong alas-3:00 ng hapon noong Marso 24, 2013 na papunta sa Area 1, Navotas City.

vuukle comment

ARNEL CASTRO

BARANGAY TONSUYA

ISANG

LUMALABAS

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD NORTH

REYNALDO CASTRO

SANSIANGCO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with