‘Edukasyon di lang pangmayaman’- YON
MANILA, Philippines - Idiniin ng grupong Youth of the Nation (YON) na hindi pangmayaman lang ang edukasyon dahil isa itong saligang karapatan ng sino man.
Naging mensahe ito ng YON sa isang national convention sa Bahay Kalinaw sa University of the Philippines kaugnay ng kontrobersyal na isyu ng pagpapakamatay ng estudyante ng UP-Manila na si Kristel Tejada makaraang mabigo itong makapagbayad ng matrikula.
Sinabi pa ng YON na ang pagkamatay ni Kristel ay sumasalamin sa problema ng sistema ng edukasyon sa bansa.
Ang problema anila ni Kristel ay tulad ng sa problema ng daan-daang libong mahihirap pero karapatdapat na estudyante na nangangarap lang na makatapos ng pag-aaral.
“Saligang karapatan ang edukasyon. Hindi ito para lang sa mayayaman,†giit ni Joseph Ginno Jaralve, YON national convenor.
Idinagdag niya na ang kahirapan o kawalan ng perang pambayad ng matrikula ay hindi dapat maging sagabal sa pag-aaral ng mga estudyante.
Kaugnay nito, nanaÂwagan kamakailan si United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet San Juan City Rep. JV Ejercito Estrada sa pagbasura sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) ng UP dahil sa kabiguan nito na tulungan ang mahihirap na estudyante.
Pinuna ni Ejercito Estrada na merong butas sa sistema na tinatanggal ang esensiya ng pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mahihirap pero karapatdapat na mga estudyante.
“Taliwas ang iskemang ito sa ‘Study Now, Pay Later’ program ng pamahalaan,†sabi pa ni Ejercito Estrada.
Sinabi pa ng kongresista ng San Juan na ipinakita lang sa kaso ni Kristel ang problema sa scholarship system sa bansa na dapat tumutugon sa pangangailangan sa edukasyon ng mahihirap na mamamayan.
- Latest