Bawal mangampanya sa Semana Santa - Comelec
MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pangangampanya sa mismong araw ng Huwebes Santo at Biyernes Santo upang bigyang respeto at pagpapahalaga ang mga Katoliko sa kanilang pagninilay-nilay.
Tiniyak ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na patuloy ang kanilang gagawing monitoring upang maiwasang maabala ang mga mananampalataya ng mga pulitikong tatakbo sa 2013 midterm elections.
Ipinagbawal din ng Comelec ang kampanya sa nasabing mga araw sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at ilang bahagi ng Mindanao na siyang itinakda ng batas.
Sa Marso 30 na simula ng local campaign period maaring ipagpatuloy ng mga politiko na tatakbo sa May 2013 elections ang kanilang pangangampanya.
Pinapayagan naman ng Comelec ang mga pulitiko na sumama sa prusisyon lalo na kung isa itong debotong Katoliko.
- Latest