Malinis na tubig dadaloy na sa Rodriguez Rizal
MANILA, Philippines - Madadaluyan na ng malinis at sapat na inuÂming tubig ang mga residente ng Rodriguez Rizal.
Ito ay makaraang magÂsagawa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ng information caravan sa naturang lugar na nasasakupan ng Manila Water sa pagdiriwang ng World Water Week.
Sa naturang caravan, tiniyak ng Manila Water na angkop at sapat ang serbisyong matatanggap ng mga customer nila sa lugar.
Kaugnay nito, hinikayat ni MWSS Regional Office Laboratory Specialist Evelyn Agustin ang mga residente ng Rodriguez, Rizal na gamitin ang tubig mula sa Manila Water dahil hindi lahat ng water refilling stations doon ay pasado sa microbiological, physical at chemical tests batay na rin sa inilabas na anunsiyo ng Metro Manila Drinking Water Quality Monitoring Committee ng Department of Health.
“Higit sa walong daang beses sumailalim sa pagsusuri ang tubig ng Manila Water kumpara sa mga refilling stations, kaya marapat na maging mapanuri tayong mga consumer at huwag kalimutang hanapin ang microbiological test results sa mga refilling stations,†ani Agustin.
- Latest